^

Bansa

Crackdown vs illegal na paputok pinalakas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang pagdami pa ng mga biktima ng paputok, ipinag-utos kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima na palakasin pa ang malawakang crackdown laban sa mga ipinagbabawal na paputok kaugnay ng pagsalubong sa taong 2014.

Kahapon ay personal na pinangunahan ni Purisima ang pagkumpiska ng mga ipinagbabawal na paputok sa Bocaue, Bulacan, ang tinaguriang fireworks capital ng bansa.  

Kabilang sa ipinagbabawal na paputok ang Goodbye Napoles, Super Yolanda, My Husband’s Lover, Super Lolo, Super Bawang, Judas Belt, Osama bin Laden, Goodbye Philippines at iba pa na higit sa 0.2 ang taglay na pulbura na lubhang delikadong gamitin.

Alinsunod sa Republic Act 7183 o ang batas laban sa mga ipinagbabawal na paputok, sinumang mahuling nagmamanupaktura o nagbebenta ng illegal na paputok ay mahaharap sa 6 taon na pagkabilanggo o higit pa at magmumulta rin ng P20,000 hanggang P30,000. Makakansela rin ang lisensya ng mga ito.

 

ALINSUNOD

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

GOODBYE NAPOLES

GOODBYE PHILIPPINES

JUDAS BELT

MY HUSBAND

REPUBLIC ACT

SUPER BAWANG

SUPER LOLO

SUPER YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with