^

Bansa

Total deployment ban ng OFWs sa Sudan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa naganap na civil war sa South Sudan, hindi na papayagan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga manggagawa doon.

Ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ang total deploymet ban sa South Udan dahil na rin sa matinding hidwaan sa puliika at ethnic conflict doon kung saan daan-daang katao na ang nagbuwis ng buhay.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ina­prubahan ng POEA ang Governing Board Resolution No., 14 Series of 2013 na nagpapatupad ng total ban sa pagpro­seso at deployment ng lahat ng OFWs patungo ng South Sudan.

Sinabi ni Baldoz na ang nasabing direktiba ay paiiralin para sa mga new hires at returning workers sa nasabing bansa.

Ito ay bunsod na rin ng nagpapatuloy na karahasan sa nasabing bansa na pinangangambahang magdulot ng panganib sa ating mga kababayan.

Sa ilalim ng Crisis Alert Level 3, paiiralin ng ating gobyerno ang total deployment ban sa nasabing bansa at magpapatupad din ng voluntary repatriation sa ating mga kababayan na naroroon.

AYON

BALDOZ

CRISIS ALERT LEVEL

GOVERNING BOARD

GOVERNING BOARD RESOLUTION NO

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SOUTH SUDAN

SOUTH UDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with