^

Bansa

Sunog sa Muntinlupa: 300 bahay natupok

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aabot sa 600 pamilya ang naapektuhan sa naganap na malaking sunog kamakalawa ng gabi sa isang residential area sa Muntinlupa City.

Kinukumpirma na­man ng pulisya ang ulat na apat katao, karamihan ay mga menor-de-edad ang nasu­gatan sa naturang sunog na sumiklab dakong alas-8 ng gabi sa Guillermo Street, Purok 6, Brgy. Bayanan, ng naturang lungsod.

Umakyat sa ika­limang alarma ang sunog dakong alas-9 ng gabi at nakontrol lamang dakong alas-11:25 na ng gabi.  Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Bineberepika na­man ng mga tauhan ng Muntinlupa Fire De­partment ang ulat na nagsimula ang apoy sa isang paputok na nakapasok sa isang bahay.  Isa pang anggulo ang posibleng problema sa koneksyon sa kuryente sa naturang lugar.

Lumikas naman ang mga apektadong pamilya sa kalapit na paaralan habang nanawagan ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan lalo na at papalapit ang Bagong Taon na wala silang tahanan.

AABOT

BAGONG TAON

BAYANAN

BINEBEREPIKA

BRGY

GUILLERMO STREET

ISA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA FIRE DE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with