^

Bansa

11 OFWs na lumikas sa South Sudan tatanggap ng livelihood assistance

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang 11 Pinoy na lumikas sa South Sudan matapos na maapektuhan ng ma­tin­ding karahasan sa nasabing bansa.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, ang 11 overseas Filipino workers na nakauwi sa bansa kamakalawa ay pawang miyembro ng OWWA at makatatanggap ng livelihood assistance.

Ang 11 repatriates mula sa magulong South Sudan ay dumating sa NAIA noong Miyerkules ng gabi lulan ng Emi­rates Airline flight EK 334.

Mula sa paliparan, pito sa mga OFWs ang dinala ng OWWA team na siyang sumalubong at nag-asiste sa bahay ng kanilang team leader na si Eric Ras sa Putatan, Muntinlupa City, ayon na rin sa kanilang kahilingan.

Ang batch ng mga lumikas na Pinoy sa South Sudan ay binubuo ng mga propesyunal, inhinyero at construction workers na ipinadala ng recruitment agency na WERR Corporation.

Bukod sa livelihood assistance sa ilalim ng OWWA “Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng Department of Labor and Employment, maaari ring kumuha ang mga umuwing OFWs ng short traning courses sa ilalim ng Skills For Employment Scholarship Program ng OWWA habang inaantabayanan ang kanilang lokal na trabaho at trabaho sa abroad.

ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

BALIK HANAPBUHAY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ERIC RAS

MUNTINLUPA CITY

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY

SKILLS FOR EMPLOYMENT SCHOLARSHIP PROGRAM

SOUTH SUDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with