ILO target tulungan ang 20 workers na biktima ng Yolanda
MANILA, Philippines - Nasa 20 manggagawa na nabiktima ng super typhoon Yolanda ang target ngayon ng International Labor Organization (ILO) na matulungan sa pagtatapos ng taong ito.
Ito ay sa pamamagitan ng Emergency Employment Program na pinangangasiwaan ng DOLE katuwang ang ILO.
Ayon kay Lawrence Jeff Johnson, director ng ILO Country Office sa Pilipinas, kung isasama ang pamilya ng mga manggagawa ay nangaÂngahulugan ito na aabot sa 100 libong katao ang makikinabang sa kanilang programa.
Sa ilalim ng Emergency Employment Program, ang mga makukuhang manggagawa ay magtatrabaho sa loob ng 15 araw at tatanggap ng sahod na katumbas ng minimum wage sa kanilang rehiyon.
Ang mga kukuhaning manggagawa ay tutulong sa rehabilitation projects gaya ng paglilinis ng mga sewerage systems, muling pagtatayo ng mga gusali at paaralan, paglilinis ng mga plaza at iba pa.
Bukod umano sa sahod, ang mga manggagawa ay tatanggap din ng occupational safety and health training, accident insurance, PhilHealth coverage at skills training.
Una nang nilibot ng mga kinatawan ng ILO sa bansa ang ilang mga lugar na hinagupit nang husto ng bagyong Yolanda kabilang na ang Basey sa Eastern Samar at Tacloban City sa Leyte.
- Latest
- Trending