MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsa ang mga banyaga sa Bureau of Immigration (BI) sa susunod na dalawang buwan.
Ito’y dahil sa itinakdang kautusan ng BI na kailangang mag-report ng personal simula sa EneÂro hanggang sa katapusan ng Pebrero ng 2014 ang mga dayuhang nais pang manatili sa bansa.
Dapat umanong magprisinta sila ng ACR Icard o paper-based ACR kasama ang application form.
Maaring i-download ang application mula sa www.immigration.gov.ph o kumuha ng kopya sa alinmang BI offices. May babayaran lamang na P310.
Hindi umano pinapayagan ng BI ang alinmang travel agencies, law firms at iba pang entities na makipagtransaksiyon para sa mga dayuhan, maliban lamang kung sila ay nasa exceptions na isinasaad ng Memo Circular SBM 2013-002.
Para naman sa mga dayuhang nasa 14 taong gulang pababa o 65 anyos pataas, ‘imbecile’, nakapiit o naka-confine sa ospital, hindi na sila kailangang personal na magtungo sa BI offices, subalit kailangang may sapat na katibayan ng ‘physical incapability to report in person’.
Sa mga nasa labas pa ng bansa, di rin itinatakda ang personal appearance subalit kailaÂngang magbayad sila ng application fees sa loob ng 30 araw simula nang kanilang pagbabalik sa bansa.