^

Bansa

PNP umapela vs indiscriminate firing

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging mapagmat­yag at ireport kaagad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang mga insidente ng indiscriminate firing upang makaiwas na maging biktima ng ligaw na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na mahalaga ang pakikiisa ng  publiko sa Oplan Iwas Paputok ng PNP para mabilis na makatugon ang pulisya at maiwasang maiputok ang anumang baril o armas.

Sinabi nito na may mga kaduda-duda namang mga nag-iinuman sa kalsada na may baril ay ireport agad sa mga pulis para ma-check at mapigilan ang posibleng pagpapaputok ng mga ito ng baril.

Hinikayat din ni Purisima ang publiko  na anumang mga naoob­serbahan sa kapaligiran na presensya ng mga tao o grupo na may mga bitbit na baril ay ireport agad sa cellphone  number 091 847575 para agad na makarating sa PNP National Headquarters.

Agad naman itong paaaksyunan sa mga kinauukulang hepe ng pulisya o mga station Commanders upang matugunan ang insidente bago pa man may mabiktima ng ligaw na bala.

Kasabay nito, hinimok ni Purisima sa publiko na itext sa nabanggit na numero ang anumang pag-abuso ng sinumang pulis para ito ay mabilis ding mapatawan ng kaukulang pagdisiplina at parusa.

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

HINIKAYAT

NATIONAL HEADQUARTERS

OPLAN IWAS PAPUTOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with