5 katao tinamaan ng ligaw na bala
MANILA, Philippines - Lima katao na ang naÂitalang biktima ng ligaw na bala mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Kinilala ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor ang mga nabiktiÂma na sina Francisco Salazar, 19, estudyante ng Sampaloc, Maynila na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang paa noong Disyembre 19.
Si Ginalyn Soncio, 32, isang misis na taga Polomolok, South Cotabato na nasapul sa kaliwang braso noong Disyembre 20; Donna Padol, 31, dalaga ng Iloilo City na minalas namang tamaan noong Disyembre 24 sa kaniyang ilong.
Si Deo Tam-og, 22, miÂnero na nagtamo ng tama ng ligaw na bala mula sa cal. 45 pistol sa kaniyang hita noong Disyembre 25 sa Itogon, Benguet habang si Rommel Geroy, 40, ng Naga City ay tinamaan sa kaliwang hita noong DisÂyembre 25.
Ang nasabing bilang, ayon kay Mayor ay inaasahang tataas pa habang hinihintay pa ng punong himpilan ng PNP Operations Center ang mga ulat mula sa mga Regional Offices.
Samantala nasa 39 kaÂtao na rin ang biktima ng illegal na paputok kung saan 28 ang nasugatan sa illegal na paputok, apat na sugatan sa illegal discharge ng baril at dalawa naman sa sunog sanhi ng paputok.
Umaabot na sa 1,340 ang nasamsam na mga ipinagbabawal na paputok na aabot sa P.73 M ang halaga.
Patuloy naman ang paalala ng PNP sa mamamayan na umiwas sa paggamit ng illegal na paputok tulad ng lolo thunder, atomic, big triangulo, big judas belt, big bawang, kwiton, kabasi, mother rockets gayundin sa piccolo, watusi at iba pa.
- Latest
- Trending