Meralco magbibigay ng refund
MANILA, Philippines - Plano ng Manila Electric Co. (Meralco) na magbigay ng “refund†sa kanilang mga kustomer na nakapagbayad na ng kanilang electricity bill ngayong Disyembre matapos ang paglalabas ng Korte Suprema ng “temporary restraining order (TRO)†sa generation fee hike.
Tiniyak ng Meralco na tutupad sila sa inilabas na TRO ng Korte Suprema kung saan ibinalik na nila ang singil sa generation charge sa P5.67 kada kilowatt hour. Una nang dinagdagan ng P2 ng Meralco ang generation charge nitong Disyembre bilang bahagi ng P4.15 kabuuang pagtataas na idinulot ng pagsasara ng Malampaya gas facility at iba pang planta.
Sa lahat ng nakatanggap ng kanilang electric bills nitong Disyembre 23, maaari nilang bayaran ito ng walang problema dahil sa naibalik na nila ito sa orihinal na generation charge.
Sa mga may bills naÂman bago mag-Disyembre 23, may dalawa silang opsyon. Ito ay ang pagbabayad sa kabuuang bill at maghintay ng “refund†sa mga susunod nilang electric bills habang ang iba ay magbayad ng kaÂsing-halaga ng bill nila ng Nobyembre kung pareho lang ng konsumo ng kurÂyente ang kanilang nagamit.
Sa mga nakapagbaÂyad na ng bills ay maaari pa ring makakuha ng refund. Mangyayari lamang umano ito kung magpapalabas ang Korte Suprema ng pinal na desisyon sa kaso.
Nakatakdang magsagawa ng orgal argument ang Korte Suprema sa Enero upang pagpaliwanagin ang Meralco sa ginawang pagtataas.
- Latest
- Trending