Mataderong kumatay sa ka-live-in, timbog
MANILA, Philippines - Natimbog na ng awtoridad ang isang matadero na pumaslang sa kanyang kinakasama sa kanilang inuupahang kuwarto sa lungsod Quezon nitong nakaraang linggo.
Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, nasa kustodiya na nila ang suspek na si Alberto BaldeÂ, 37, na naniniÂrahan sa Dumaguete.
Sabi ni Capili, naÂdakip na ang suspek ng mga operatiba ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU) sa ginawang follow-up opeÂrations alas-3 ng hapon sa may Caloocan City kung saan siya tumutuloy kasama ng kanyang mga kababayan.
Si Balde ang itinuturong suspek sa panaÂnaksak at pagpatay sa kanyang live-in-partner na si Donnabelle Gamayon, 30, noong nakaraang linggo alas- 8:30 ng gabi sa may Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik.
Maaalalang ang biktima ay natagpuang naliligo sa sarili nitong dugo makaraang pagsasaksakin ng suspek dahil sa selos.
- Latest
- Trending