^

Bansa

11 Pinoy na ‘tumakas’ sa South Sudan nakauwi na sa Pilipinas

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 11 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa karahasan at nagsilikas sa South Sudan ang inaasahang nakauwi na sa bansa kagabi (Dec 25).

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez,  dakong alas-10:30 ng gabi takdang dumating ang 11 OFWs lulan ng Emirates Airlines flight EK 334.  Ang nasabing grupo ay binubuo ng mga lalaking engineers at field supervisors.

Sinabi ni Hernandez na inilikas ng C-130 ng Estados Unidos ang mga nabanggit na OFWs patungong Nairobi, Kenya noong Disyembre 22 bago sila tumulak pauwi sa bansa.

Sa huling tala, 15 OFWs  ang nasa Uganda na at 11 pa ang naglalakbay patu­ngo na sa nasabi ring bansa matapos na magsilikas sa South Sudan.

May 20 Pinoy naman ang nagsilikas sa Kenya, apat ang lumikas sa Khartoum mula South Sudan habang lima pa ang kumuha ng kanilang flight patungong Dubai mula Juba.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa 31 pang OFWs na nananatiling nasa South Sudan at ang Embahada sa Nairobi ay patuloy na binibigyan ng tulong ang iba pang Pinoy na nagnanais na umalis sa nasabing bansa.

Nitong nakalipas na linggo ay nagpatupad ang Department of Foreign Affairs ng crisis alert level 3 sa South Sudan kung saan ikinasa ang voluntary evacuation at ang total ban sa mga OFWs na tutungo at magtatrabaho sa nasabing bansa sa gitna na rin ng tumitinding karahasan doon.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

EMIRATES AIRLINES

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PINOY

SOUTH SUDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with