^

Bansa

Turismo hindi dapat maapektuhan ng NAIA killing - DOT

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na hindi makakaapekto sa turis­mo sa bansa ang naganap na pamamaril sa NAIA Terminal 3 noong Biyernes.

Ayon kay Jimenez, maituturing namang isolated incident ang nangyari sa NAIA Terminal 3 bagama’t sa isang pampublikong lugar ginawa ang pamamaslang.

Posible umanong mayroon nang matagal na alitan ang biktima at suspect subalit nabigyan lamang ng pagkakataon ang huli na maisakatuparan ang pagpatay.

Sinabi ni Jimenez na wala namang dapat na ikabahala ang mga turista na nais na dumalaw o mamasyal sa Pilipinas.

Aniya, puspusan naman ang binibigay na seguridad ng kapulisan sa NAIA sa mga dumarating at umaalis ng bansa.

Magugunitang isa ang turismo sa mga pangunahing nag-aambag ng kita sa kaban ng bayan.

ANIYA

AYON

BIYERNES

JIMENEZ

MAGUGUNITANG

MALAKI

PILIPINAS

TOURISM SECRETARY RAMON JIMENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with