^

Bansa

Shellfish ban sa Zambo Sur, Bataan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bu­reau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa Dumanguilas bay sa Zamboanga del Sur at Bataan.

Gayunman ayon kay BFAR director Asis Perez, maaari namang kainin mula sa naturang mga baybayin ang isda, pusit, hipon at alamang bastat linisin lamang na mabuti.

Inabisuhan ng BFAR ang mga lokalidad ng naturang mga lugar na huwag payagang makarating sa mga palengke ang shellfish mula sa kanilang lugar para makaiwas sa epektong dulot nito na nakakalason sa taong kakain ng shellfish na may red tide. 

Ligtas namang kainin ang shellfish mula sa baybayin ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bulacan sa Manila bay gayundin sa baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos, Wawa Bani sa Pangasinan; Masinloc bay sa Zambales; Milagros at Mandaon sa Masbate.

ALAMINOS

ASIS PEREZ

BOLINAO

BULACAN

CAVITE

DUMANGUILAS

FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

LAS PI

WAWA BANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with