^

Bansa

P200K loan sa Yolanda victims inilabas ng GSIS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang dagdag na tulong sa pagbangon sa mga biktima ng bagyong Yolanda, naglabas ang Government Service Insurance System (GSIS) ng bagong loan na aabot hanggang P200,000 para sa muling pagtatayo ng bahay ng mga pamilyang nasalanta sa Visayas.

Inihayag ni GSIS President Robert Vergara ang pagbibigay nila ngayon ng “Home Emergency Loan Program (HELP)”, isang one time special loan na nakatutok sa muling pagtatayo at pagkukumpuni sa mga nasirang bahay ng kanilang mga miyembro sa 126 lugar sa Visayas na pinakamatin­ding tinamaan ng bagyo.

Sa ilalim ng HELP, maaa­ring mag-aplay ng loan ang mga miyembro base sa kanilang haba ng serbisyo sa gobyerno. Ang mga nagta­trabaho sa pamahalaan ng 10 taon o higit pa ay maaaring makautang ng hanggang P200,000 at ang mga nagtatrabaho ng mas mababa sa 10 taon hanggang limang taon ay hanggang P100,000 ang mauutang.

Samantala, ang mga na­­kapagtrabaho naman sa pamahalaan ng mas mababa sa limang taon ay maaaring makautang ng hanggang P30,000 lamang.

BILANG

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HOME EMERGENCY LOAN PROGRAM

INIHAYAG

PRESIDENT ROBERT VERGARA

SAMANTALA

VISAYAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with