^

Bansa

$24-M pa sa Tacloban tiniyak ng US

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaloob pa ang Estados Unidos ng karagdagang $24.6 milyon para sa recovery ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Inihayag ito ni US Secretary of State John Kerry matapos personal na bisitahin ang Tacloban City kahapon at nakita ang lawak ng pinsalang idinulot ng signal no. 4 na super bagyo.

Sa talumpati ni Kerry sa Tacloban, siniguro nito ang commitment ng Amerika na tulungan ang Pilipinas partikular ang mga lugar na sinalanta ni Yolanda para sa pagbangon nito.

Nakiramay din ang US official sa mga pamilya ng nasawi sa trahedya kung saan ay tinatayang mahigit sa 6,000 na ang bilang ng namatay sa Region 7.

Binisita rin ni Kerry ang DSWD hub kung saan ay naroroon ang mga relief goods kabilang na ang donasyon ng US at iba’t ibang bansa saka ito nagtungo sa tent city kung saan libo-libong pamilya pa rin ang pansamantalang tumutuloy matapos magiba ang kanilang mga tahanan.

Matapos nang pagbisita sa Tacloban ay bumalik na rin si Kerry sa US kahapon.

Sinabi naman ni Pa­ngulong Aquino na sisimulan na ng gobyerno sa pamamagitan ng itinalaga nitong Rehabilitation Czar na si Sec. Ping Lacson ang rehabilitation effort upang maibalik na sa normal na pamumuhay ang mga residenteng sinalanta ni Yolanda.

Ayon sa Pangulo, ang long term rehabilitation effort ng gobyerno ay tinatayang aabutin hanggang 2017 subalit sinisimulan na ang rehabilitasyon nito partikular sa natukoy na critical and immediate areas.

Siniguro naman ni Lacson na babantayan niya ang pondong ilalaan para sa rehabilitation at reconstruction ng pamahalaan at hindi niya hahayaang ‘manakaw’ ito ng mga mapagsamantala.

AMERIKA

ESTADOS UNIDOS

PING LACSON

REHABILITATION CZAR

SECRETARY OF STATE JOHN KERRY

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with