Staff ng solon huli sa droga
MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marinduque PNP ang dating driver at staff ng isang kongresista matapos umanong mahulihan ng shabu.
Sa ipinamahaging spot report ng PDEA, nakasaad na si Mark Dexter Anthony Preclaro alyas ‘Macoy’ ay naaresto sa Sta. Cruz, Marinduque noong Dis. 6, 2013.
Nasamsam ng mga awtoridad kay Preclaro ang mahigit 18 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P120,000, iba pang drug paraphernalia, 5.56 rifle, dalawang caliber 22, apat na caliber 5.56 magazines at ilan pang live at blank ammunition.
Ang pagkaka-aresto kay Preclaro ay matapos siyang ituro ng isa pang kaibigan na si Nicci Buencamino na una na ring naaresto ng PDEA sa isang buy bust operation.
Si Preclaro ay ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition. Sinasabing pang-12 umano si Preclaro sa most wanted drug pushers sa Mimaropa at matagal ng pinaghahanap ng PDEA at mga pulis sa Marinduque. Dati umano siyang driver at staff ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
- Latest


















