Tiangge, bazaars bubuwisan
MANILA, Philippines - Hahabulin na rin ng Bureau of Internal ReÂvenue (BIR) ang mga tiangge at bazaars na nagtitinda ngayong holiday season.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, kasama sa kanilang target ay ang mga Christmas night market at bazaars na dapat magbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.
Inatasan na ni Henares ang lahat ng revenue district officers nationwide na magsumite ng status report hinggil sa mga kahalintulad na negosyo sa kanilang lugar kung pasko at bagong taon para madetermina ang kokolektahing buwis dito.
Binigyang diin ni Henares na ang mga ganitong negosyo ay kumikita ng malaki sa ganitong panahon kaya may pananagutan silang maningil ng kaukulang buwis mula sa mga ito.
- Latest
















