^

Bansa

APIR ng DOH aarangkada na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon naghahanda naman sa pag-arangkada ang Oplan Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR) ng Department of Health (DOH) upang mapababa ang bilang ng mga biktima ng paputok tuwing Kapaskuhan lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sesentro sa mga batang madalas mabiktima ng mga paputok ang kampanyang may temang “Maging Ligtas Ngayong Kapaskuhan, mga Biktima ng Kalamidad Handugan.”

Kabilang sa paulit-ulit na paalala ng DOH na mapanganib ang paggamit ng paputok; lahat ng paputok ay bawal sa bata; umiwas sa mga taong nagpapaputok; huwag mamulot ng mga hindi sumabog na paputok at kaagad magpagamot kapag naputukan.

Sa halip na magpaputok, iminungkahi ni Ona na lumikha na lamang ng ingay tulad ng torotot, busina, lata at iba pa, makisaya sa ibang paraan tulad ng street party, concert at palaro.

Maaari rin anyang magmuni-muni sa mga aral ng nakaraang taon at pag-isipan ang mga hakbangin tungo sa mas masaganang 2014.

Sisimulan ng DOH sa Disyembre 21 ang pag-monitor sa firecracker-related incidents sa tulong ng PNP, DILG, DTI at EcoWaste Coalition.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BIKTIMA

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KALAMIDAD HANDUGAN

MAGING LIGTAS NGAYONG KAPASKUHAN

OPLAN AKSYON

PAPUTOK INJURY REDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with