^

Bansa

Sa terror attack at pagkasawi ng 7 Pinoy alert level 3 itinaas sa Yemen!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na karahasan sa Yemen, itinaas kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang alarma para sa mga Pinoy upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad kasunod ng naganap na terrorist attack sa Sana’a na ikinasawi ng pitong Pinoy hospital workers at ikinasugat ng 11 iba pa.

Ayon sa DFA, iniutos ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ilagay sa crisis alert level 3 mula alert level 1 sa Yemen dahil sa patuloy na tensyon sa ilang mga lugar doon.

Sa ilalim ng alert level 3, ang mga Pinoy na nagnanais na umuwi sa bansa ay tutulungan ng Embahada na maproseso ang kanilang repatriation.

Hindi rin pinapayagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tumungo o magtrabaho sa Yemen sa ilalim ng nasabing alerto.

Maging ang pagbisita at pagtungo sa Yemen ay hindi rin pinapayagan para sa turistang Pinoy.

Sa huling ulat na tinanggap ng DFA, na-account na lahat ang 40 OFWs kabilang ang pitong nasawi na nagtatrabaho sa Yemeni Defense Ministry Hospital na inatake ng mga suicide bombers noong Disyembre 6.

 

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DISYEMBRE

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PINOY

SANA

YEMENI DEFENSE MINISTRY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with