^

Bansa

Singil sa kuryente tataas ng P4.15

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng Energy Regu­latory Commission (ERC) ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtataas sa singil ng kuryente base sa rekomendasyon ng Manila Electric Corporation (MERALCO).

Sa isinagawang public consultation sa tanggapan ng ERC, nagbigay ng tatlong opsyon ang MERALCO sa ERC para sa “staggered basis” na komputasyon ng pagtataas base na rin sa kahilingan ng iba’t ibang sector upang hindi mabig­la sa pagbabayad ang mga consumer.

Matapos ang isinagawang hearing sa panukala ng MERALCO, pinili ng mga opisyales ng ERC ang “Option 3´ kung saan magpapatupad ng P2.41 kWh pagtataas ngayong buwan ng Disyembre, wala sa Enero, P1.21 kada kWh sa Pebrero at P.53 sa buwan ng Marso para mabuo ang P4.15 hike.  Ang naturang datos ay epektibo sa mga “household consumers” na kumukonsumo ng 200kWh kada buwan.

Samantala, sinaba­yan ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo ang naturang sesyon ng ERC kahapon.

Nagsagawa ng noise barrage ang mga rali­yista mula sa Anakba­yan, Gabriela, Alliance of Concerned Tea­chers (ACT), Anakpawis, Bayan at Freedom from Debt Coalition upang tapatan ang pulong. Kinukondena ng grupo ang napipintong pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa mga taga­pagsalita ng mga grupo, sa halip na i-regulate ng ERC ang taas-singil, tila nagiging tagapagsalita at tagapagtanggol pa ito ng Meralco.

 

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEA

ANAKBA

ANAKPAWIS

AYON

DEBT COALITION

ENERGY REGU

MANILA ELECTRIC CORPORATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with