Pagbibitiw ng LWUA chief tinanggap ni PNoy
MANILA, Philippines - Tinanggap ni PaÂngulong Aquino ang pagbibitiw sa tungkulin ni Local Water Utilities Administration (LWUA) chairman Rene Villa na nakaladkad sa multi-billion pork barrel scam.
Si Villa na miyembro ng Liberal Party, ay una na umanong umamin na nagsilbi siyang abogado ni Janet Lim Napoles, ang pinaniniwalaang “utak†ng P10 billion pork barrel scam, mula 2006 hanggang 2010.
Ayon sa report, naÂging kliyente umano niya si Napoles matapos magbitiw bilang kalihim ng Department of AgraÂrian Reform (DAR).
Nang tanungin naman kung ang dahilan ng pagbibiw ni Villa ay may kinalaman sa kontrobersiyal na relasyon niya kay Napoles, sinabi ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. na personal niya itong desisyon.
“Personal na desisyon po niya ito at tinanggap naman po ito ng ating Pangulo na may kalakip na pasasalamat sa kanyang paglilingkod,†ani Coloma.
Ang pagbibitiw ni Villa ay epektibo noong Nobyembre 30.
Sa ngayon ay hihintayin pa ang rekomendasyon ni Secretary Rogelio Singson para sa ipapalit kay Villa.
“Ang LWUA po ay pinapangasiwaan ni Secretary Rogelio “Babes†Singson. Malamang po ay hihintayin ang rekomendasyon ni Secretary Singson hinggil dito,†dagdag ni Coloma.
Samantala, inihayag din ni Coloma na tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Grace Karen Singson, hepe ng Privatization and Management Office o PMO na nasa ilalim ng Department of Finance.
Hinirang naman ng Pangulo si Elizabeth Espino bilang executive director ng National Parks Development Committee.
- Latest