^

Bansa

Gurong nasawi sa pagliligtas ng mga bata sa ‘Yolanda’ pinarangalan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala kahapon ng Department of Education (DepEd) ang kaba­yanihang ipinakita ng isa nilang grupo sa Iloilo City na nasawi matapos na magligtas ng mga batang mag-aaral sa kasagsagan ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.

Nakatakdang bigyan ng medalya at iba pang gantimpala ng DepEd ang naiwang pamilya ni G. Rogelio Lardera, guro sa Concepcion Central School sa Iloilo.

“To be a teacher is to have a remarkable life.  Mr. Lardera, at the cost of his own life, saved the lives of several children at the height of Yolanda. His selflessness inspires us all,” ani Education Secretary Bro. Armin Luistro.

Sa datos ng DepEd, miyembro si Lardera ng Manaphag Quick Response Team na binuo upang rumesponde sa panahon ng kalamidad sa Bacjawan Sur sa naturang lalawigan.

Nabatid na nagligtas si Lardera at mga kasamahan ng mga residente at mga bata sa baybaying lugar ng munisipalidad at pabalik na sa kanilang tanggapan nang mabagsakan ng puno ang sinasakyan nilang trak.

Dito tumalsik palabas ng sasakyan si Lardera at natagpuan ang kanyang wala nang buhay na katawan matapos ang bagyo.

Naiwanan ni Lardera ang kanyang asawa na si Leonora Tabares at apat na anak. 

Nakatakda namang gawaran ng “posthumous award” ng pamahalaang lokal ng Iloilo si Lardera bilang kanilang bayani sa Disyembre 8.

 

ARMIN LUISTRO

BACJAWAN SUR

CONCEPCION CENTRAL SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY BRO

ILOILO

ILOILO CITY

LARDERA

LEONORA TABARES

MANAPHAG QUICK RESPONSE TEAM

MR. LARDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with