DND bidding pinanindigan
MANILA, Philippines - Nanindigan ang Department of National Defense (DND) sa pinal na desisyong i-disqualify ang Korean firm na Kolon Global Corporation matapos matuklasan na mababang uri at substandard ang produkto nito kaugnay sa bidding upang mag-supply ng 44,080 pirasong armor vests.
Ayon kay DND-Bids and Awards Committee chairman Asec. Efren Q. Fernandez, ang pasiya ng BAC ay ibinatay sa istriktong pagtupad sa 9184 (Phil. Govt. Electronic Procurement Services Act) at nakabase sa natuklasan ng lupong Assessment/Post-Qualification sa ilalim ni General Essel Soriano (Ret.), ang pinakamataas na technical working group na kumatawan sa Philippine Army at Marines.
Inihayag ito ng DND para maiwasto ang maÂling ulat na ipinakakalat ng Kolon na nag-alok ng armor vest na ang metal plate nang sukatin ay hindi tumugon sa teknikal na nakasaad sa bid document kaya idineklarang substandard at mahinang klase.
Nagsimula noong 2012 ang bidding sa suplay ng 44,080 pirasong armored vests para sa Army at Marines na nagkakahalagang P1.76 bilyon at binuksan ang mga bid nitong Abril na apat na kompanya ang nag-qualify bilang pinakamababang bidders sa pangunguna ng Kolon ng Korea; Merkata ng Serbia; JV Achidatex Nazareth Elite ng Israel at MKU Private Ltd. ng India.
Nilinaw ni Fernandez na hindi komo’t may pinakamababang bid ay awtomatikong ibibigay sa Kolon ang proyekto dahil may post-qualification, assessment at analysis na pinakamahalagang yugto ng bidding proÂcess kung saan bumagsak ang produkto ng nasabing kompanya.
- Latest