^

Bansa

Record sa pagbili ng kagamitan ng DND pinalalantad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang anti-corruption watchdog kay Defense Secretary Voltaire Gazmin na  ilabas ang records hinggil sa pagbili ng  P1.763 bilyon force protection equipment  para sa Philip­pine Marines at Philippine Army sa pangamba na mayroon umanong iregularidad.

Ang Coalition Against Corruption (CAC) ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Integrated Bar of the Philippines, Ateneo School of Government, Catholic Bishops Conference of the Philippines at Makati Business Club.

Sa sulat ng CAC kay Gazmin, nais nitong ilantad ang umano’y ‘minutes’ ng lahat ng  Bids and Awards Committee meeting na may kinalaman sa pagbili ng mga kagamitan ng  mga sundalo, post qualification summary report at transcript ng lahat ng pinag-usapan sa pulong.

Lumalabas na nagpa-bidding ang BAC para sa delivery ng 44,080 piraso ng armor vests ng Marines at Army na umaabot sa P1.763 bilyon kung saan apat na kompanya ang kuwalipikado na sumali sa bidding kabilang na ang Kolon Global Corp. na may pinakamababang halaga na P800 milyon na sinundan ng Mercata na P1.2 bilyon.

Tinanggap ng BAC ang proposal ng Kolon subalit bigla na lamang itong diniskuwalipika matapos umanong hindi pumasa sa kanilang requirement. Subalit taliwas naman ang resulta nang magtungo sa South Korea ang CAC at BAC.

ANG COALITION AGAINST CORRUPTION

ATENEO SCHOOL OF GOVERNMENT

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

KOLON GLOBAL CORP

MAKATI BUSINESS CLUB

PHILIPPINE ARMY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with