^

Bansa

Butandings, balik sa Almasor

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong taon kung kailan paminsan-minsan na lang silang nakikita, tila bumalik na uli ang mga higanteng “Butan­ding” (whale sharks) sa karagatan ng Almasor (Albay-Masbate-Sorsogon) na itinuturing na tahanan nila.  

Ang mababait na higanteng pating ay isa sa mga ipinagkakapu­ring “assets” ng Almasor dahil malakas ang hila nila sa mga turista mula sa iba’t ibang bansa. Pinalalakas nila ang turismo sa Kabikulan, lalo na sa Donsol, Sorsogon, na kinikilalang “Butang capital” ng Pilipinas.

May mga ulat na nag­lipana na rin ang mga Butanding sa dagat sa Tabaco City, Albay at sinasabi pang nakikipaglaro sila sa mga tao. Ang balita ay ikinatutuwa ng mga Alba­yano at itinuturing nilang biyayang pamasko sa kanilang lalawigan dahil sa makataong mga proyekto nito.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, malamang na Albay ang makikinabang sa kalahati ng mga pang-ekonomiyang biyayang dadalhin ng Butanding. Kadikit lang ng Sorsogon ang Albay at paborito itong destinasyon ng mga turistang banyaga na natutuwang pagmasdan ang magandang Mayon Volcano at pasyalan ang makasaysayang Cagsawa Ruins. 

Maraming Albayano ang nagpapakahulugan sa pagdating ng Butanding sa Albay bilang gantimpala sa mga makataong tulong na ginagawa ng lalawigan sa mga sinalanta ng mga kalamidad sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ang Team Albay ay nasa ika-11 humanitarian mission ngayon sa Leyte at Samar na lubhang binubog ni Super typhoon Yolanda.

Bilang chairman ng Bicol Regional Development Council, itinatag ni Salceda ang Almasor upang pagsama-samahin ang mga “tourism assets” ng Albay, Masbate at Sorsogon bilang isang “package destination” para sa mga turista.

ALBAY

ALBAY GOV

ALMASOR

ANG TEAM ALBAY

BICOL REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL

BUTANDING

CAGSAWA RUINS

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with