MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa Maynila ang mga top international experts upang pag-usapan sa isang roundtable discussion sa Disyembre 5 ang mga territorial maritime disputes partikular sa Southeast Asia.
Gagawin ang roundtable discussion sa gitna ng ulat na pumasok na ang mga US bombers sa China defense zone.
Ang roundtable discussion na may pamagat na “What Is to Be Done? Resolving Maritime Disputes in Southeast Asia†ay inorganisa ng Angara Centre for Law and Economics ni dating Senator Edgardo Angara at gagawin sa Marriott Hotel, Resorts World Manila.
Magiging speakers sa nasabing pagtitipon ang mga world-renowned experts na sina Donald Emmerson ng Stanford University, Shen Dingli ng Fudan University ng China, Ian Storey ng Institute of Southeast Asian Studies in Singapore, Yoichiro Sato ng Ritsumeikan Asia Pacific University ng Japan, at Professor Harry Roque ng University of the Philippines.
Nakatakda namang magbigay ng keynote address si Angara na nagsulong sa pagbuo ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (UP-IMLOS) kung saan pinag-aaralan ang mga batas at policy research services ng iba’t ibang maritime industries katulad ng shipping, fishing, seafaring.
Naniniwala ang mga eksperto na bagaman at isang arena ng “escalating conflict†ang South China Sea, posible pa ring magkaroon ng compromise at madaan sa maayos na usapan ang problema.