^

Bansa

Smugglers unahin bago si Pacman

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat unahin muna ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paghahabol sa mga smuggler bago si Sarangani Congressman Manny Pacquiao.

Ayon sa ama-amahan ni Pacquiao na si Buhay parytylist Rep. Lito Atienza, dapat magdahan-dahan ang gobyerno sa paghahabol sa Pambansang Kamao kaugnay sa tax case nito. Ito ay kahit na nagkaroon na ng paglilinaw na walang freeze order sa bank deposits ni Pacquiao mula sa Court of Tax Appeals (CTA).

Giit ni Atienza, dapat unahin ng gobyerno ang paghahabol sa mga smugglers dahil pinapadapa nito ang ekonomiya ng bansa. Subalit hindi umano kinakikitaan ang pamahalaan ng kamay na bakal laban sa mga smugglers.

Paliwanag pa ng kongresista, dapat na maging sensitibo ang gobyerno dahil buhay ang tinataya ni Pacquiao sa bawat laban nito kaya umaangat ang pamumuhay ng Pambansang Kamao.

Pinayuhan naman ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Pacquiao na kumuha ng magaling na abogado. Nilinaw din ng Speaker na hindi makikialam ang Kamara sa kaso ni Pacman.

Katwiran ni Belmonte labas ang Kamara sa nasabing isyu dahil personal ito.

ATIENZA

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COURT OF TAX APPEALS

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

LITO ATIENZA

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

SARANGANI CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with