LRT extension sa Bacoor aprub sa NEDA
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) board ang LRT Line 1 South extension project hanggang sa Bacoor, Cavite na nagkakahalaga ng P64.9 bilyon.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang extension project ng LRT 1 South ay may habang 20.7 kilometro mula sa Roosevelt Avenue sa Quezon City hanggang sa Bacoor, Cavite.
Aniya, dudugtungan ang kasalukuyang LRT 1 na hanggang Baclaran station upang makaabot ito hanggang sa Bacoor City kung saan ay dadaanan nito ang Parañaque City at Las Piñas City.
Sinabi naman ni Bacoor City Mayor Strike Revilla, ang development na ito ay malaking tulong hindi lamang sa residente ng kanilang lungsod kundi ng ilang bayan din sa Cavite.
Mapapabilis din ang transportasyon ng mga taga-Cavite sa pagluwas sa Metro Manila at makakaluwag din ito sa trapiko.
Bukod sa LRT 1 extension project ay inaprubaÂhan din ng NEDA board ang 6 pang proyekto tulad ng MRT 7 project na nagkakahalaga ng P62.7 bilyon na hanggang San Jose del Monte, Bulacan; LRT 1 North extension project na may halagang P1.4 bilyon; Mactan-Cebu InternatioÂnal Airport new passenger terminal project na may halagang P17.5 bilyon; development ng transportation system sa FTI at PRA sa ilalim ng PPP na may halagang P7.7 bilÂyon; DOH modernization sa Philippine Orthopedic Center na may pondong P5.6 bilyon at MWSS Bulacan Bulk water supply project na may pondong P24.4 bilyon.
- Latest