‘Pork’ patients tinatanggihan sa gov’t hospitals
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Kamara si Health Secretary Enrique Ona dahil sa pagtanggi ng mga ospital ng gobyerno na hindi gamutin ang mga mahihirap na pasyenteng may malubhang sakit gamit ang guarantee letters na pinopondohan ng mga kongresista at senador mula sa kanilang pork barrel.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, dapat maliwanagan nila ito kay Sec.Ona dahil hindi lamang ang Philippine General Hospital (PGH) ang tumatanggi sa mahihirap nilang constituents kundi ang iba pang government hospitals tulad ng National Kidney Institute (NKI).
Maghahain naman ng kaso si Cavite Rep. Elpidio Barzaga laban sa PGH dahil sa pagtanggi nitong gamutin ang kanyang mahihirap na constituents kabilang ang breast cancer patient na si Maribel Batoc at tatlong iba pa.
Sabi ni Barzaga hindi dapat tanggihan ng PGH ang pagpapa-chemotherapy ni Batoc gamit ang guarantee letter dahil ang dineklara lamang na labag sa batas ng Korte Suprema ay ang paggamit ng second semester ng 2013 na PDAF na nagkakahalaga ng P13.2 bilyon at hindi sakop ng Notice of Cash Allocation (NCA).
“PGH is not honoring their contract with me when they disallowed the use of my PDAF funds of which have already been deposited to them. I’ll be filing cases against PGH and the suit which I shall file shall include as plaintiffs the patients whom they did not provide themedical treatment with the cash coming from my PDAF which has already been deposited with PGH long time ago. As of today I have a cash deposit balance of P1,524,424 with the PGH coming from the first tranche of my PDAF of the current year and not covered by the decision rendered by of the SC,†paliwanag pa ng kongresista.
- Latest