^

Bansa

Patay kay Yolanda pumalo sa 5,209

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 5,209 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa mga ‘disaster hit areas’ partikular sa lalawigan ng Leyte at Samar.

Sa press briefing sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na 4,919 ang kabuuang nasawi sa Eastern Visayas.

Nilinaw naman ni Roxas na hindi pa kabilang dito ang nasa 1,725 pang mga bangkay na narekober ng Task Force Cadaver ni Sr. Supt. Pablito Cordeta sa Tacloban City dahil kailangan pa itong sumailalim sa masusing proseso.

Kapag nagkataon sa Eastern Visayas pa lamang ay aabot na sa 6,634 ang nasawi at hindi pa rin kasama rito ang unang naitalang namatay ng NDRRMC na 290 bangkay mula sa Region IV B, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Penin­sula at Caraga.

Hindi pa rin kasama sa bilang ang nasa 1,582 nawawala.

Sa kabila naman ng hindi pa rin nakakabangon sa delubyo ng bagyo ang mga sinalantang lugar sa Visayas Region, sinabi ni Roxas na tapos na ang pinakamahirap na sitwasyon ng ‘disaster relief operations’.

“Nagbubukas na ang mga bangko grocery at gasolinahan. Wala na pong looting. Wala nang mob. Wala nang report ng gulo, the worst is over sa disaster relief operations,” giit pa nito.

BICOL REGION

CENTRAL VISAYAS

EASTERN VISAYAS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PABLITO CORDETA

ROXAS

SR. SUPT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with