^

Bansa

Evacuees delikado sa tetanus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minamadali na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng mga nakalikas sa mga evacuation centers sa Visayas Region lalo na ang lubhang sinalanta ng bagyong Yolanda dahil sa umano’y naitalang kaso ng tetanus.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, hinahabol nila ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng evacuation center sa rehiyon sa loob ng anim hanggang 59 na buwan dahil sa pangambang magkaroon ng measles outbreak kasunod ng ulat na kaso ng tetanus.

Sinabi ni Tayag, pinasusuri na rin nila ang tubig dahil sa posibilidad na makainom ng maruming tubig ang mga evacuee na magresulta sa diarrhea outbreak.

Namahagi na rin sila ng hyposol, o chlorine solution dahil hindi maaaring magpakulo ng tubig dahil walang panggatong.

Maging ang sanitation sa mga evacuation center ay kanila na rin aniyang pina-iinspeksiyon upang matiyak na ligtas sa mga nagsilikas na residente.

Kinumpirma rin ni Tayag na may supply na ng tubig sa Tacloban City kasunod nang kanilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection o BFP para sa pagrarasyon ng tubig sa lungsod.

 

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

KINUMPIRMA

MINAMADALI

NAMAHAGI

TACLOBAN CITY

TAYAG

VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with