^

Bansa

Failure of elections sa Bacoor City ibinasura ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ng hadlang o pipigil sa pag-upo sa pwesto ni Mayor Strike Revilla at iba pang opisyal ng Bacoor City matapos tuluyang ibasura ng Commission on Elections ang petisyon hinggil sa pagdedeklara ng failure of elections sa nabanggit na lungsod.

Sa resolusyon na inilabas ng Comelec en banc, walang merito at walang basehan ang reklamong failure of elections at ma­linaw umano na inihalal ng nakararaming mama­mayan sa lungsod si Mayor­ Revilla at ang kanyang Bise Alkalde na si Karen Sarino-Evaristo.

Inihain ng mga natalong kandidato ng Liberal Party sa Bacoor City ang reklamong failure of elections dahil sa umano’y malawakang vote buying noong nagdaang May 13 elections.

Pero nilinaw ng Comelec sa pangunguna ni Chairman Sixto Brillantes na hindi kailanman maa­aring gamiting dahilan ang “vote buying” para ideklara ang failure of elections.

“Ang ‘vote buying’ ay maaari lamang i-apply para idiskwalipika ang isang kandidato at ito ay inihahain bago ang proklamasyon ng isang nanalong kandidato,” ayon sa Comelec.

Iginiit ng mga natalong kandidato na dahil sa ma­lawakang “vote buying” ay naging mababa ang turn-out ng botohan na hindi naman sinang-ayunan ng poll body.

Ayon sa Comelec, malinaw na nagkaroon ng eleksyon sa Bacoor City at sa pamamagitan ng mahigit 119,000 na boto ay idineklarang panalo at iprinoklama bilang alkalde si Revilla at Bise Alkald si Evaristo matapos makakuha ng mahigit 80 libong boto.

BACOOR CITY

BISE ALKALD

BISE ALKALDE

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

KAREN SARINO-EVARISTO

LIBERAL PARTY

MAYOR STRIKE REVILLA

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with