^

Bansa

CJ Sereno nagbunyi Team Judiciary wagi vs Team PNP sa 1st UNTV cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging maigting ang labanan sa pagitan ng ‘Team Judiciary’ ng Korte Suprema at ‘Team PNP Hinirang’ ng Philippine National Police sa pagtatapos ng ‘1st  UNTV Basketball Cup’ sa Smart Araneta Coliseum noong Nobyembre 5 na personal na pinanood ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dumaan muna sa ‘butas ng karayom’ ang Team Judiciary bago tuluyang nanaig sa Team PNP sa score na 86-83 sa kanilang ‘best-of-three’ final series at maiuwi ang P1 milyon premyo.

‘Jam-packed’ ang buong Smart Araneta sa ginanap na final game at lahat ay nasorpresa sa ginawang pagdalo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang pangunahan ang mga opisyal at empleyado ng SC sa pagpapakita ng kanilang suporta sa kanilang team.

Ito ang unang pagkakataon na makita ng publiko ang Chief Justice sa isang malaking social event at mamasdan ang isang bahagi ng kanyang personalidad na katulad ng ibang basketball fans ay masayang sumisigaw pabor sa kanyang team.

Sa kabilang panig, dumalo naman si ex-PNP Chief Nicanor Bartolome upang pangunahan ang pagpapakita ng suporta sa Team PNP na nakopo naman ang P500,000 premyo.

 

BASKETBALL CUP

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

CHIEF NICANOR BARTOLOME

KORTE SUPREMA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SMART ARANETA

SMART ARANETA COLISEUM

TEAM JUDICIARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with