^

Bansa

Palasyo, itinanggi na nag-walkout ang Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na nag-walkout si Pangulong Benigno Aquino III sa disaster meeting kamakalawa sa Tacloban City.

Ayon kay PCOO Assistant Secretary Rey Marfil, walang katotohanan na nag-walkout si Pangulong Aquino sa disaster meeting kasama ang ilang negos­yante mula sa Tacloban City nang bumisita ang Pangulo sa sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

Sinabi ni Asec. Marfil, lumabas lamang ng kuwarto si Pangulong Aquino upang magpunta sa comfort room at agad na bumalik din sa pulong.

Wika pa ni Marfil, walang katotohanan na iniwan ng chief executive ang pagpupulong dahil nagpaunlak pa nga ng panayam sa media si PNoy.

Magugunita na iniulat na nag-walkout si Pangulong Aquino sa nasabing pulong matapos mairita sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) kaugnay sa 95 percent na tinamong devastation ng lungsod.

 

vuukle comment

ASEC

ASSISTANT SECRETARY REY MARFIL

AYON

ITINANGGI

MARFIL

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with