^

Bansa

Yolanda binura na ng PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aalisin na rin sa hanay ng mga pangalan ng bagyo ang super typhoon Yolanda dahil sa bagsik nito at malawak na pinsala sa mga tao, kapaligiran at mga ari-arian.

Ayon kay Cris Perez, weather forecaster ng PAGASA, karaniwan nang ginagawa ng ahensiya na alisin sa talaan nila ang isang bagyong nagdulot ng matinding epekto sa bansa.

Kabilang sa mga ti­nang­gal na sa talaan ang bagyong Ondoy, Pablo at Peping.

Si bagyong Feria naman anya ay kumain ng 188 katao at may pinsala na P3.4 bilyon sa Luzon.

Pinag-aaralan pa rin na maalis sa talaan sina Santi at Odette na nagdulot din ng malaking pinsala sa kapaligiran at mga ari- arian at madami rin anya ang nagbuwis ng buhay dito.

Samantala, magiging maganda ang panahon sa mga susunod na araw, matapos ang pag-alis ng bagyong Yolanda sa bansa.

Inaasahang hanggang Nob. 14, 2013 ay magi­ging maganda ang panahon sa ating bansa dahil wala pa naman umanong nakikitang sama ng panahon sa kasalukuyan.

Bagama’t may nakikitang isang cloud cluster sa labas ng PAR malayo pa anya itong maging isang LPA. 

Ngayong buwan, da­lawa hanggang tatlong bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa. Isa hanggang dalawa naman ang posibleng pumasok sa Disyembre. (Angie dela Cruz/Ricky Tulipat)

 

AALISIN

ANGIE

AYON

BAGAMA

CRIS PEREZ

CRUZ

DISYEMBRE

RICKY TULIPAT

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with