PNoy nag-walkout sa disaster meeting
MANILA, Philippines - Nag-walk out si PaÂngulong Aquino sa disaster council meeting nito kahapon sa Tactical Command Center nito sa TacÂloban City.
Nadismaya ang PaÂngulo matapos iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na libu-libo ang pinaniniwalaang nasawi dahil sa paghagupit ng super typhoon Yolanda sa Eastern at Central Visayas noong Biyernes at Sabado.
Nainis ang Pangulo kay NDRRMC executive director Eduardo del Rosario sa ulat nitong 95 percent ng Tacloban City ay devastated.
Tinanong ni PNoy si del Rosario kung bakit nakatayo pa rin ang isang kulungan na wala nang bubong kung ganun ang pagtatayang nasira sa lungsod at sumagot ang opisyal na kinokonsiÂderang minor devastation lamang yun hanggang sa mag-walk out na ang Pangulo sa pulong.
Bumalik din naman agad si Aquino sa meeting matapos itong magpalamig at kausapin ang ilang pulis sa katabing police station.
Nairita din ang PaÂngulo sa ilang negosyante na humiling na ideklara ang martial law o state of calamity sa Tacloban dahil na rin sa nangyaring kaguluhan matapos na looban ng mga tao ang isang mall matapos ang bagyo.
Nag-init din ang PaÂngulo sa tanong ng isa pang naroroong negosÂyante kung ano ang ginagawa ng gobyerno dahil sa maÂtinding looting at nakawan matapos ang bagyo kung saan ay tinutukan pa mismo daw ito ng looter.
“But you did not die, right?†sagot naman ni Pangulong Aquino sa nagtatanong na negosyante sa NDRRMC meeting.
Naunang sinisi ni PaÂngulong Aquino ang local executives ng Tacloban City dahil sa hindi ito preparado kaya marami ang naging biktima ng bagyo.
Ang alkalde ng TacÂloban City ay si Alfred Romualdez na tumalo sa sinuportahan ni PNoy na si dating An-Waray Rep. Bem Noel noong 2013 elections.
- Latest



















