^

Bansa

150-man team idineploy sa Leyte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdeploy na kaha­pon ng karagdagang 150 man police contingent ang Philippine Natio­nal Police (PNP) upang tumulong sa search, rescue at rehabilitation operations sa Leyte partikular na sa Tacloban City na grabeng hinagupit ng super bagyong Yolanda.

Ang nasabing PNP contingent ay sumakay ng C130 cargo plane ng Phi­lippine Air Force na may kargang mga relief goods para sa pa­ngangailangan ng mga evacuees.

Dalawang C-130 planes din ang nagtungo na kahapon ng umaga sa Tacloban sakay ang AFP medical teams, 12,000 pounds ng relief goods at power generators, communications equipment at water purifiers.

Gustong matiyak ng Pangulo na makakaabot sa mga biktima ang mga relief goods lalo na ang pagkain. 

Pinapa-retrace na rin ng Pangulo sa DOST ang dinaanan ng bagyo para mabatid kung aling lugar ang pinaka naapektuhan.

Nakatakdang bumuo ng all-weather communication system ang DOST na magagamit para sa mga kalamidad na taun-taong tumatama sa bansa. (Joy Cantos/Malou Escudero)

 

AIR FORCE

DALAWANG C

GUSTONG

JOY CANTOS

LEYTE

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PHILIPPINE NATIO

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with