Malacañang hindi nababahala sa economic sanction ng Hong Kong
MANILA, Philippines - Hindi nababahala ang Malacañang sa naging aksyon ng mga Hong Kong legislators na magpataw ng economic sanction sa Pilipinas kaugnay sa Manila hostage crisis noong 2010 kung saan ay 8 HK nationals ang nasawi.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., gumagawa ng hakbang ang gobyernong Aquino upang maresolba ang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa nangyari noong 2010 Manila hostage crisis.
“Sa pakikipag-ugnayan po ng mga bansa, ang pinakamataas na opisyal ng ating bansa ay ang Pangulo, sa kanila naman ay iyong Chief Executive. Sa pagtingin po natin, kung mismong ang pinakamataas na opisyal na ng bawat panig ang kumikilos at nangunguna doon sa pagkilos ng dalawang panig, makatitiyak naman po siguro ang mga mamamayan ng magkabilang panig na ang hinahanap talagang solusyon ay para sa pinakamataas na interes at kapakanan ng kanilang mga mamamayan,†paliwanag pa ni Sec. Coloma.
Magugunita na nakapag-usap sina Pangulong Aquino at HK chief executive Leung Chun-ying noong nakaraang buwan sa APEC Summit sa Bali, Indonesia at positibo naman ang kinahinatnan nito.
“Our position remains the same. Both sides are working Âquietly to address these concerns and reach a mutually satisfactory conclusion,†paglilinaw pa ni Coloma kaugnay sa inaprubahang economic sanctions ng HK legislators.
- Latest