HK may banta sa Pinas
MANILA, Philippines - Nagbanta kahapon ang pamahalaang Hong Kong na magpapataw sila ng sanction o parusa laban sa Pilipinas kung hindi pormal na hihingi ng apology at hindi bibigyan ng tamang kompensasyon ang mga biktima ng Manila hostage drama noong 2010.
Hindi binanggit ng HK leader na si Leung Chun-ying kung anong klaseng parusa ang nag-aantay para sa Pilipinas dahil sa pagmamatigas ni Pangulong Aquino na mag-formal apology sa Hong Kong kaugnay sa naganap na hostage crisis sa Quirino Grandstand na ikinasawi ng walong Hong Kong tourists.
Nakatakdang desisyunan ng mga mambabatas sa HK ngayong Miyerkules ang panukala na alisin o suspindihin ang pagbibigay ng libreng visa sa mga turistang Pinoy na papasok sa Hong Kong.
Nais din ng ilang mambabatas sa Hong Kong na itiÂgil ng kanilang pamahalaan ang pakikipag-negosasyon sa kalakalan at air routes at pinaboboykot ang lahat ng goods o produkto mula sa Pilipinas.
- Latest