^

Bansa

Ika-8 petisyon vs DAP inihain sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa walo ang naisampang petisyon sa Korte Suprema laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kahapon ay inihain ng mga empleyado ng gobyerno sa pangunguna ng grupong COURAGE ang ika-walong petisyon laban sa DAP.

Sa 26-pahinang petition for certiorari and prohibition, hiniling ng COURAGE at ng mga union leaders ng National Housing Authority, DSWD, DAR, Environment and Management Bureau ng DENR at MMDA na ideklarang unconstitutional ang DAP.

Ayon sa mga petitioner, nalabag ng DAP ang equal protection clause sa 1987 Constitution dahil hindi naman lahat ng mga senador ay nakinabang mula sa pondo ng DAP.

Hiniling din ng mga petitioner na magpalabas ang hukuman ng Temporary Restraining  Order (TRO) na pansamantalang pipigil sa gobyerno sa pagpapatupad ng DAP.

 

AYON

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

ENVIRONMENT AND MANAGEMENT BUREAU

HINILING

KAHAPON

KORTE SUPREMA

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

TEMPORARY RESTRAINING

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with