^

Bansa

Serbisyo ng mga guro sa halalan gagawing optional

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Alberto Muyot na planong  gawing optional na lamang ang serbisyo ng mga guro sa tuwing nagkakaroon ng halalan sa bansa.

Ayon kay Usec. Muyot, sa ngayon ay nakasalang na sa kongreso ang panukala na inihain ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na naglalayong  amyendahan ang election code sa bansa at kapag naisabatas ito ay doon na magsisimula ang pagiging optional na lamang ang  pagsisilbi ng mga guro sa tuwing election.

“We have party-list representatives to take the lead in amending the election code,” ani Usec. Muyot.

Sinabi ni Usec. Muyot, mismong ang pamunuan ng DepEd  ay pabor sa isinusulong na panukala ng TDC na gawing optional na lamang ang paninilbihan ng mga guro sa eleksyon.

Aniya, sa ngayon ay napipilitan obligahin ang mga guro na magsilbi sa election kahit sa mga mapanganib na lugar tulad ng Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) at iba pang lugar na mainit na naglalaban ang mga magkakatunggaling pulitiko.

ANIYA

AUTONOMOUS REGION

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

MUSLIM MIN

MUYOT

TEACHERS DIGNITY COALITION

UNDERSECRETARY ALBERTO MUYOT

USEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with