^

Bansa

‘Vinta’ nasa PAR na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsi­bi­lity (PAR) ang binabanta­yang tropical depression at ito ay tinawag na bag­yong Vinta.

Ayon kay Chris Pe­rez, PAGASA weather forecaster, bahagyang lumakas ang naturang bagyo sa 55 kilometro kada oras habang bina­baybay ang Philippine Sea.

Nakataas na ang signal No. 1 sa Aurora at Isabela.

Ngayong Miyerkoles, ito ay nasa layong 470 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o nasa 620 kilometro sila­ngan ng Casiguran, Aurora

Inaasahang tatama ang bagyo sa Isabela sa Huwebes at tatawirin nito ang Central o Northen Luzon.

Biyernes inaasahang lalabas ng PAR si Vinta pero magiging maulan ang paggunita ng Undas dahil sa bagyo.

Sinabi ni Perez na aaabutin ng dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang inaasahang papasok sa PAR habang isa hanggang dalawa sa Disyembre.

AYON

BIYERNES

CHRIS PE

ISABELA

NGAYONG MIYERKOLES

NORTHEN LUZON

PHILIPPINE AREA OF RESPONSI

PHILIPPINE SEA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with