DOJ mag-iimbestiga sa ‘ambush’ ng Subic mayor
MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng Department of Justice ang kasong attempted murder na isinampa ni Subic Mayor Jay Khonghun matapos na lumitaw sa resulta ng beripikasyon na ang tunay na nagmamay-ari ng baril na ginamit sa “pananambang†ay mula rin sa kanyang kampo.
Noong Agosto 25, 2013 ay kinasuhan ni Khonghun sa Olongapo RTC si Gregorio Gutierrez, 81, ng 39th St., Olongapo City at sa customer nitong si Ranildo Maningding, may-ari ng Aim High Phil Logistics, Inc. ng Subic Bay Freeport Zone. Isang Rommel Ave, 33, ang nagtungo umano sa tanggapan ni Mayor Khonghun upang ipagtapat na inutusan siya ni Gutierrez para patayin ang Mayor kapalit ng P100,000. Mariin naman itong itinanggi ni Gutierrez at tanging pagba-buy and sell ng kotse lamang daw ang kaniyang pinagkakaabalahan at si Ave ay kaniya lamang nakausap dahil may buyer umano ito ng isa sa ibinibenta niyang kotse na Suzuki Swift (TBO-619).
Minamaneho na ni Gutierrez ang nasabing sasakyan sakay si Ave para puntahan ang sinasabing buyer nang harangin sila ng ilang kalalakihan at puwersahang dinala sa kabundukan. Dumanas umano ng katakut-takot na gulpi si Gutierrez ng tumangging ituro si Maningding na siyang mastermind sa planong pagpatay sa Mayor. Nakilala umano nito ang dalawa sa dumukot sa kaniya na mga pulis sa kanilang lugar. Ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng Subic Police Station at mayroon na siyang baril at nahaharap na sa kasong tangkang pagpatay.
Pinatotohanan naman ni Chief Insp. Rodrigo Sarmiento, Chief ng Record Section ng Firearm and Explosives Office sa Camp Crame na hindi si Gutierrez ang may-ari ng caliber .45 na may serial number 877838 na umano’y narekober sa kaniya.
- Latest