P32M tax case vs Jeane Napoles
MANILA, Philippines - Sinampahan na rin ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal ReveÂnue sa Department of JusÂtice si Jeane CatheÂrine Napoles, ang anak ng tinaguriang P10 billion pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles, dahil sa pagkabigong idekÂlara ang kita para sa mga taong 2011 at 2012.
Umaabot anya sa P32.06 milyon ang tax liaÂbility ni Jeane kasama na ang interes at surcharge.
Lumilitaw na nakaÂpag-acquire ng ilang ari-arian si Jeane kabilang ang biniling condomiÂnium unit sa Los Angeles, California noong 2011 na nagkakahalaga ng P54.73 milyon.
Nakakuha rin umano ito ng 1.9 share sa BayamÂbang, Pangasinan proÂperty na binili noong 2012 sa halagang P1.49 milyon.
Bukod sa kawalan ng Income Tax Return (ITR), wala ring rekord si Jeane na nagsasabing tumanggap ito ng mamahaling ari-arian bilang regalo.
Kamakailan, mainit na pinag-usapan sa social media ang mga litrato ng kotse, bag at iba pang gamit ni Jeane.
Nagmamay-ari rin umano ito ng isang unit sa Ritz-Carlton Residences na condominium hotel ng mga celebrity sa Amerika.
Una nang kinasuhan ng tax evasion ang mag-asawang Janet at Jaime Napoles. Posible pang madagdagan ang kaso ni Jeane at iba pang miÂyembro ng pamilya Napoles dahil patuloy ang imbestigasyon ng BIR.
- Latest