Ulat Panahon
MANILA, Philippines - Ang Calabarzon, Kabikulan , Kabisayaan, Mindanao at ang mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilaga hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa Luzon at mula naman sa hilagang-kanluran hanggang timog-kanluran ang iihip sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang araw ay sisikat dakong 5:46 ng umaga at lulubog dakong 5:39 ng hapon.
- Latest
- Trending


















