^

Bansa

Biyahe ng SK bawal ipost sa FB

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na papayagan ang Sangguniang Kabataan (SK) na ibandera sa mga social networking site katulad ng Facebook ang kanilang mga biyahe o junket.

Ayon kay Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, ang nasabing junket ng mga opisyales ng SK ang isa sa mga naging dahilan para magkaroon ng panawagan sa reporma.

Naniniwala si Marcos na dapat i-standardized ang mga mandatory training at siguraduhing hindi isang lakwatsa lamang ang gagawin ng mga kabataan.

Sabi pa ni Marcos na marapat lamang na magsimula sa mga youth leaders ang katapatan sa bansa at disiplina.

Ayon kay National Youth Commission Chairman Leon Flores, ang junket ng mga youth leaders na nakapost sa social media, ang isa sa mga dahilan kung bakit dumagsa ang panawagan na ireporma ang SK.

Ibinulgar pa ni Flores na may alam siyang isang siyudad na nagsagawa ng three-day training para sa mga youth leaders sa Tagaytay, subalit nabisto na apat na oras lamang umano ang talagang ginugol para sa pagsasanay.

“The rest was really just lakwatsa,” kwento nito.

Idiniin ni Marcos na malaki ang magiging pakinabang ng SK mula sa karanasan ng nauna rito na Kabataang Barangay (KB), lalo na sa citizenship training.

Inilarawan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating chair ng KB at nakatatandang kapatid ng senador, na ang training ng KB ay mistulang boot camp kung saan ang mga kabataang kalahok ay pinagtanim ng puno at dumaan sa hirap ng hunger strike at iba pang pagsubok na umaabot hanggang sa kalaliman ng gabi, tulad ng pinagdaanan ng mga katipunero at guerilla.

Si Sen. Marcos ang author ng SK poll postponement na naging ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong Aquino noong nakaraang Oktubre 3.

AYON

BONGBONG MARCOS

ILOCOS NORTE GOV

IMEE MARCOS

KABATAANG BARANGAY

LOCAL GOVERNMENT

NATIONAL YOUTH COMMISSION CHAIRMAN LEON FLORES

PANGULONG AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with