^

Bansa

‘Ramil’ pumasok na sa PAR

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasok na sa Phi­lippine Area of responsibility ang binabantayang bagyo at tinawag itong “Ramil”.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mata ng bagyong Ramil ay namataan sa layong 1,170 km silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging 130 kilometro kada oras at may bugso ng hanging 160 kilometro kada oras.

Inaasahang gagalaw itong patungong hilagang kanluran sa bilis na 26 kilometro kada oras.

Nauna rito, sinabi ng PAGASA na hindi direktang makakaapekto sa alinmang bahagi ng bansa ang bagyo dahil posibleng lumabas din agad ito.

Kaunay nito, binaha naman ang bahagi ng Neg­ros Oriental dulot ng pagbuhos ng ulan kahapon kung saan may 4,000 katao ang naapektuhan

Ayon kay provincial coordinator Allen Cabaron ng Region 7, ang mga apektadong residente ay pansamantalang nanunuluyan sa iba’t-ibang evacuation center sa Ba­yawan city.

Sinasabing 13 barangay sa Bayawan ang naapektuhan ng pagbaha, bunga ng pag-apaw ng Okoy river.

Nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Brgy. Ala­ngilan, bayan ng Santa Catalina kaya hindi na madaanan ng mga sasakyan ang national highway nito.

ALLEN CABARON

AYON

BATANES

BAYAWAN

BRGY

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

RAMIL

SANTA CATALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with