^

Bansa

Walang ‘shoot to kill’ kay Misuari - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang “shoot to kill” order si Pangulong Aquino laban kay MNLF founding chairman Nur Misuari na napaulat na patakas na papuntang Malaysia,

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang shoot on site order ang Pangulo kay Misuari pero bantay-sarado ng mga awtoridad ang karagatan sa Mindanao sa posibleng pag-eskapo ni Misuari gamit ang exit route sa Sulu patungong Malaysia.

Ayon pa kay Valte, hindi hihingin ng Pa­ngulo ang tulong ng Malaysian government para mabilis na matunton si Misuari sakaling nakatakas nga ito.

Mananatili anyang internal pa rin ang pagresolba ng gobyerno sa naganap na paglusob ng MNLF-Misuari faction sa Zamboanga City.

Si Misuari ang itinuturong utak ng pagsa­lakay ng 5 MNLF commander sa pamumuno ni Habier Malik sa anim na barangay sa Zamboanga City noong Set­yembre 9. Natapos ang krisis noong Setyembre 20 o halos tatlong linggo.

Sa naturang bakbakan, 24 ang nasawing security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at 54 ang sugatan. Nasa 192 MNLF fighters naman ang napaslang at 254 ang sumuko at naaresto.

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

HABIER MALIK

MANANATILI

MISUARI

NUR MISUARI

PANGULONG AQUINO

SI MISUARI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with