^

Bansa

Filing ng disqualification case vs kandidato tatapusin sa Disyembre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng Commission on Elections na tapusin sa Disyembre 2013 ang filing ng disqualification cases laban sa mga offenders o lu­mabag sa election rules noong Mayo.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, may mga hawak na silang listahan ng mga kandidatong sumobra ang gastos sa kam­panya, mga bumili ng boto, mga hindi nagsumite ng Statements of Election Contributions and Expenditures o SOCE, at iba pang opensa.

Hindi naman isiniwalat ni Lim kung sinu-sino ang susunod na sasampulan ng disqualification cases.

Inamin naman ni Comelec Comm. Louie Tito Guia na hindi kayang araling lahat ng Comelec ang mga paglabag sa halalan.

Nanawagan ang Comelec sa publiko at iba’t ibang grupo na tulungan sila sa imbestigasyon.

Hawak na rin ng Co­melec ang mga pag-aaral na ginawa ng Philippine Center for Investigative Journalism at Lente na makatutulong sa pagsasampa ng kaso.

CHRISTIAN ROBERT LIM

COMELEC

COMELEC COMM

COMELEC COMMISSIONER

INVESTIGATIVE JOURNALISM

LOUIE TITO GUIA

PHILIPPINE CENTER

STATEMENTS OF ELECTION CONTRIBUTIONS AND EXPENDITURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with