^

Bansa

Abad pinagpapaliwanag

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng oposisyon sa Kamara si Department of Budget and Management  (DBM) Secretary Butch Abad kaugnay sa umano’y pinamigay nito na P10 milyon at P50 milyon na Disbursement Allocation Program (DAP) sa mga mambabatas noong Corona impeachment trial.

Ayon kay independent minority block leader Ferdinand Martin Romualdez at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang nabunyag na extra pork sa mga mambabatas ay mas nagbibigay umano ng dahilan na i-itemized ang budget na hinahawakan ng Pangulo para sa transparency at accountability ng mga public funds.

Sa ganitong paraan umano ay maiiwasan na ang mga pang-aabuso sa paggamit ng lump sum funds lalo na ngayonh sumabog na naman ang panibagong kontrobersya sa pamimigay umano sa mga kongresista ng nasabing halaga.

Dahil dito ay hina­mon ni Romualdez ang Ma­lakanyang at si Abad na ipaliwanag kung saan nanggaling ang DAP dahil hindi naman provided sa nagdaang inaprubahang alokasyon ang nasabing pondo at kung ito ba talaga ay insentibo o reward para mapatalsik sa puwesto ang dating punong mahistrado.

Bukod dito, lalo pa umanong nalagay sa ala­nganin ang integridad ng mga mambabatas na bumoto para patalsikin si Corona at naapektuhan ang buong institusyon sa panibago na namang kontrobersiya.

 

ABAD

AYON

BUHAY

BUKOD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ALLOCATION PROGRAM

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

LITO ATIENZA

SECRETARY BUTCH ABAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with